ANONG ALAM NILA SA MINDANAO???
Ako'y nagtataka pagkat aking naririnig
sa ating musikang pag-ibig ang hatid.
Ang musika kasing sa Pilipino dapat ay himig,
bakit kung awitin ay may paos na tinig.
O kay ganda ng liriko ng isang kanta
Mindanao pa ang pamagat niya.
Walang ano-ano,ang lirikong makabansa
ay may kakambal pa lang paninira.
Matuwid bagang sabihing
kayrami nang dugong dumanak sa lupa ng Mindanao
Gayong ang alam ko kakaunti pa lamang.
kung bibilangin nga ay masasabi ko pang
mas marami pa ang sa LUZON ay namatay.
Namatay na naghihinagpis,.
namatay na walang kalaban-laban,
namatay ay mali at kababawan ang dahilan.
O mga manlilikha ng awit,panawagan po lamang
huwag naman ang MIndanao siraan.
Ang resulta tuloy,natatakot hindi lamang ang dayuhan
kundi pati na ang ating kababayan!
Mag-ingat! mag-ingat sa paggawa ng liriko
pagkat katumbas nito ang karangalan mo,
kung ika'y taga-Luzon, LUZON ang gawan mo
kung ika'y taga-Visayas, VISAYAS ang gawan mo
Pagkat anong alam mo sa lupain ng MINDANAO???
Ano ang alam mo sa lupain ng bayan ko???
gusto ko.. pwede irepost???
TumugonBurahinsalamat kaguro.....
TumugonBurahinsali ka sa patimpalak sa www.damuhan.com katoto :)
TumugonBurahinsige katoto
TumugonBurahin