ANG
Sa aking paggising kasabay ni araw,
sa dingding na marupok ay aking natanaw
ang isang orasang tila kumakaway
at wari'y kumukumpas na mga kamay.
Aking napagtanto makailang saglit
na ang kumpas ng orasa'y may ipinahihiwatig.
Bawat kumpas niya'y di dapat madaig
ng pagwalang-bahala sa nangyayari sa daigdig.
Ang orasan ay parang puso ng tao,
na kung pakingga'y may tunog na binubuo.
Ang pintig ng puso kung wawariin mo
ay tila tiktak ng mumunting relo.
Ang orasan ay kahawig ng lakad ng buhay
na pabalik-balik din ang pinaglalakbayan.
Ang lakbay na tuloy-tuloy kung layo ang batayan
ay di alintana ang pawis na nunukal.
Kung mapapansin,ang orasa'y naglalakad
sa pabilog na landas ng mundong madawag.
Ang ikot ng orasang tila banayad
ay nakabatay sa bateryang nagpapalakad.
Ang orasan ay simbolo ng buhay
na habang naglalakad ay may salaysay.
Kapag tumigil na sa pag-ikot ang orasang mahal
ay simbolo na ng pamamaalam sa mundong ibabaw.
O, ang orasan na sa dingding nakasabit
kung pakaisipi'y may ipinahihiwatig.
Kung ang kahulugan ay di mo maisip,
magdurusa ka sa panahong sasapit.
Ang bahay na wala nito ay kulang
kung hindi pa mauuna ay maiiwan.
Kung ang orasan ay wala sa tahanan,
ay malas nga ika ng kasabihan.
Napag-sip ko na maaari ngang tama
na mamalasin ang tahanang nito ay wala.
Malas ka pagkat di mo alam ang oras
ng iyong pagsilang at pamamayapa.
Kaya't pakinggan ang munting panawagan
ng tumitiktak na munting orasan,
"Ang lakad ko ay lagi nang gabay
at bawat tiktak ko ay mahalagang tunay."
magandang tula kaibigan...
TumugonBurahinsalamat po
TumugonBurahinang ganda nag tula mo!! i like it!! vist us: http://aegyodaydream.blogspot.com/ thanks..
TumugonBurahinsalamat...
TumugonBurahinAng ganda naman ng tula na
TumugonBurahinyan