Martes, Nobyembre 29, 2011

SALAMAT MAAM (para sa aking guro F.J.)

Maam...Salamat sa iyong pang-unawa at ang munti kong isipan                                                          ay iyong kinahabagan.
               Salamat sa pag-ibig na sa aki'y pinaramdam.
               Ang aking pusong nasa bingit na ng pag-aalangan
               ay pinatikim mo ng tamis ng iyong pagmamahal.

Maam...Salamat sa iyong mabubuting itinuro
             at ang halaga ng aking buhay ay aking napagtanto.
             Salamat sa pagkakataong ika'y aking makapiling
             sa araw ng pighati at aking paninimdim.

Maam...salamat sa iyong payo
             na naghatid sa akin sa landas ng paraiso.
             Ang buhay kong minsan nang maalikabok na larawan,
             gamit  ang palad mo ay iyong nilinisan.

Maam...salamat sa mga salitang humubog sa akin
             na nagbigay ng pag-asang ang katotohana'y aking tuklasin.
             Hindi ko maitatatwang ako'y tao man din
             na palaging mali at kadalasa'y nahuhuli sa karera ng magaling.

Maam...salamat sa pagtulong na ako'y makaahon
             sa hirap at lungkot ng aking kahapon.
             Sa hiwaga ng iyong itinurong IKALAWANG PAGKAKATAON,
             tunay  ka ngang huwarang guro sa lahat ng panahon.

             Pagdating ng panahong ako'y katulad mo na
             asahan mong babaunin ko ang iyong ipinamana.
             Ang tulong mo na sa katauhan ko'y nagpaganda
              asahan mong mamanahin naman  ng iba.

Maam...salamat po minsan  pa
             at pagpapalain ka nawa ng POONG DAKILA
             na sa ati'y lumikha...

32 comments:

  1. pangit di naman tula yan

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi sa lahat ng bagay ang mga tula ay magkakapaeho ng tunog...ang pinakamahalaga ay ang nilalaman ng mga mensahe na nagpapaganda sa tula

      Burahin
    2. ang panget panget nyan nonesense dapat yan tangalin yucksssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss

      Burahin
  2. Panget Nga Tama Ka Alyas "HINDI NAGPAKILALA"

    TumugonBurahin
  3. grabe naman po

    TumugonBurahin
  4. yuck naman. jusko tula pa ba to? i was expecting something good! napaka epic-fail naman nito! makikita mong trying hard talaga siyang tumula. jusko day wag ganyan. di bagay sayong nageeffort pero pnagit parin ang kinalabasan. mahiya ka naman tehh! sana inireview mo muna bago ipinost. sayang lang oras ko nagbasa nito. walang kakwenta-kwenta.

    TumugonBurahin
  5. hell this is very ugly! 1000000000000000000000000000000000000000000000 thumbs down and boos to the writer! pfft.

    TumugonBurahin
  6. grabe naman kau. atleast xia nag-effort eh kau ba meroooon?

    TumugonBurahin
  7. ahah kawawa nman..yaan nu nah..

    TumugonBurahin
  8. ...kung mkareact nman kayo wagas! may sense nman cnabi nya ha...and besides malayang taludturan ang ginawa nyang tula,..think before you react fellow men!!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama may ibat ibang klase kasi ang tula eh, kung makapanghusga naman sila akala mo magaling gumawa ng tula,,,,,eh may meaning rin naman itong tulang ito ah...at tsaka isa pa....wala akong makitang mali dito....lahat ng sinasabi iya sa tula ay mga saloobin nya....KAYA DAPAT WAG KAYONG MANGHUSGA !!!!

      Burahin
  9. i agree...wag naman sana kayong masyadong harsh, nakakasakit kasi kayo ng damdamin ng tao eh. kung gumawa na lang sana kayo ng sarili niyong tula kesa dini-discriminate niyo ang gawa ng iba eh di sana may napala pa kayo.

    TumugonBurahin
  10. para sa mga nagkumento ng panget sa tulang ito ay walang magawa basta lang makapagkument. atleast nakagawa siya eh kayo may nagawa na ba kayong tula sa tanang buhay mo???
    for sure na wala...kung meron man at kung gagawa man kayo sure din yang maspanget dahil nga naisip niyo na panget yong ginawa niyang tula...kasing pnget din yong magagawa mo gaya ng panget mong pag-iisip.

    TumugonBurahin
  11. huwag naman kayong ganyan. para namang ang galing nyong gumawa ng tula.

    TumugonBurahin
  12. I am a poet.. English man o Tagalog.. I don't like writing on websites like this.. They'll just copy my crafts.. Hmmmm.. I think you're right. Don't be judgmental. Kung ikaw siya.. Then you just saw these heartbreaking comments about your craft, hihina ang loob mo.. Which is bad.. Think before you judge..

    TumugonBurahin
  13. Kayong mga taong nanlalait, mahiya naman kayo. Buti nga siya gumagawa e samantalang kayo paresearch-research nlng.. napakajudgemental pa. Naku. Kung ako sa inyo magaral nalang muna kayo hindi yang naglalakas loob kayo dyan. Magaling ba kayong gumawa ng tula uh? kala mo kung sinong proffesional. Putapeteee!

    TumugonBurahin
  14. Yess. Malayang taludturan ito. Wala namang masamang magsulat ng tula? Proud siya dahil nagsulat siya ng tula about teachers. eh kayo? pag may assignment kayong about sa tula, nagreresearch lang kayo. Kayo na nga lang kokopya, kayo pa maangaas! Pano kaya kung di niya ginawa eto? at wala na kayong mapagkunan ng tula? Hayy.. Masyado kayong maangas. wala namang maipagmamalaki. :)

    TumugonBurahin
  15. Gusto kong magkaroon ng aesthetics dibdib. Naghahanap ako para sa isang plastic siruhano sa Turkey.
    Memeestetiği

    TumugonBurahin
  16. dapat ipagmalaki natin ang mga guro

    TumugonBurahin
  17. Parepareho na nga lang tayong mga Pilipinong mga hindi perpekto. nagAAWAY AWAY PA KAYO. Bakit niyo pa binasa -_-

    TumugonBurahin
  18. kung makapg cOmment naman cla pRang cnu!!cguro ung mga nagcOmMent n pangIt ,mas pangIt mga mukha nla .!!atleast he /she tried hIs /her best , .pnu kung kayo naman ang nsa gnyang sitUatiOn ,suS!!!mga wlang mgawa sa buhay !!!! dnt judge,ok ?
    mga walang hIya !!
    #sorRy kung gnto pö comMent koh,naAwa lng tlga ako sa nagpOst ng tUla na nagPakapagod :)

    TumugonBurahin
  19. Totoo po,kung cnu pa ung walang nagagawa cla ang nangugunang mangutya....ako nga wala pang nagagawang tula eh guro pa ako.kya tgnan ang sarili bago iba.

    TumugonBurahin
  20. at least siya nag-effort na gumawa kayo ba meron ?

    TumugonBurahin
  21. hindi lahat ng bagay ay pangit palibhasa hindi niyo nararamdaman ang hirap ng isang guro ....

    TumugonBurahin
  22. Grabe naman yung mga taong walang galang sa gumawa ng tula na ito. Ang kikitid naman ng utak niyo. Buti nga nakapagpasalamat pa siya sa mga guro kahit sa simpleng tula lang. E kayo? Ano na bang nagawa niyo sa mga guro niyo?

    TumugonBurahin
  23. So nice. A big help po para magkaroon ako ng idea. Thanks so much

    TumugonBurahin
  24. Hindi-nagpakilalaEnero 20, 2014 ng 1:46 AM

    tamasya hindi nmn kailangan maging perpektoung tula n yan ang mahalaga nadeliver nya ng tama atnsa puso.....
    alam nmn nating lahat ee...
    theres no perfect... saka hindi nmn yan nakakahiya ee,,, ang nakakahiya ay kung nag post ka ng masasamangsalita
    .....rrryyyyyyyyyyttttttt.......

    TumugonBurahin
  25. Makacomment basta-basta ha!! Okay lang naman yung tula.. Nakakahiya naman yung iba dyan, makacomment ng mga hurtful words, feeling nyo kaya niyong gumawa ng super perfect na tula ha!

    TumugonBurahin
  26. Uu nga sadyang my mga tao lng tlaga nah khit wla pa clang nagawa kung mka coment nmam akala mo kung cno heeey stupid buti pah hndi kna lng ng coment pra wlang mggalit sau panira knang mode huh my ng agree pah prihas kau ng utak wlang laman hndi mrunong tumingin oh makiramdam basahin mo kasi ng maayos??? Grrrrrrr

    TumugonBurahin
  27. Hindi-nagpakilalaHunyo 10, 2014 ng 6:41 AM

    Sayang naman oh tuwin hapon dapat may tula kami eh na para sa guro mali pala tong tula buti hindi ko pa nakopya kundi failed ako sa teacher ko

    TumugonBurahin

KA-patid-puso-barkada-pamilya

IKAW

Walang maaaring makaalam kung sino ka maliban sa iyong sarili...sapagkat ang sinumang nagsasabing kilala niya ang pagkatao ng isang tao ay isang nilalang na nilikha sa kawalang muwang sa sariling kaanyuan.Ikaw ay tunay na ikaw at wala ng iba pang makaaalam sa iyo kundi ikaw...

UGALI

Ang ugali ng isang tao ay hindi batayan ng kanyang pagkatao...Nang tayo'y isilang sa mundo,taglay na natin ang pag-uugaling di kayang burahin ninuman at ng anuman.Kung ano ka ay iyon ka.Tanging ang paraan ng pagsasalita ang magiging batayan upang mahusgahan ang isang nilalang...Sapagkat ang sugat na dulot maling salita ay maaaring gantihan ng sugat din ng salita...Subalit ang sugat na dulot ng maling gawi ay sugat na mahirap gantihan ng maling gawi...lalo na kung ika'y mabuting nilalang...ika nga "action speaks louder than words at the same time action hurts greater than words...."