tatlo,dalawa,isa
ubo....
ubo...
ubo...
sa bawat ubong kanilang naririnig
sa bawat alingawngaw ng paos kong tinig
sa bawat tinig na tila nasasamid
ay nabubuhay ang tulad ko sa panganib.
ubo...
ubo...
ubo...
ako'y nahihiya
pagkat ang tinig ko'y parang tigang na lupa
at ang saya sa aking mukha
ay sayang ipininta ng brilyanteng mga luha.
ubo..
ubo..
mahina't paos at nangangating lalamunan
ay tila nakasiping sa aking talampakan
ang sakit sa aking kalingkingan
ay magiging sakit ng buong lipunan.
ubo..
ubo..
ako'y nananawagan
sa lahat ng may awa na ako'y kaawaan
at sa lahat ng kalahatan
na ako'y painumin ng gamot na pampabuhay.
ubo.
ubo.
isa-isa na lang ngayon ang inyong maririnig
na tunog mula sa aking bibig
ang ibig sabihin kung hindi man ako gumaling,
ako'y tinatawag sa aking libing.....
Huwebes, Mayo 3, 2012
Mga etiketa:
tula,
tula ng buhay,
tula sa pagkatao,
tula ukol sa pagkatao
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
KA-patid-puso-barkada-pamilya
IKAW
Walang maaaring makaalam kung sino ka maliban sa iyong sarili...sapagkat ang sinumang nagsasabing kilala niya ang pagkatao ng isang tao ay isang nilalang na nilikha sa kawalang muwang sa sariling kaanyuan.Ikaw ay tunay na ikaw at wala ng iba pang makaaalam sa iyo kundi ikaw...
UGALI
Ang ugali ng isang tao ay hindi batayan ng kanyang pagkatao...Nang tayo'y isilang sa mundo,taglay na natin ang pag-uugaling di kayang burahin ninuman at ng anuman.Kung ano ka ay iyon ka.Tanging ang paraan ng pagsasalita ang magiging batayan upang mahusgahan ang isang nilalang...Sapagkat ang sugat na dulot maling salita ay maaaring gantihan ng sugat din ng salita...Subalit ang sugat na dulot ng maling gawi ay sugat na mahirap gantihan ng maling gawi...lalo na kung ika'y mabuting nilalang...ika nga "action speaks louder than words at the same time action hurts greater than words...."
ubo ubo ..
TumugonBurahinmagaling ang pagkakasulat mo :)
salamat katoto....
TumugonBurahinisa nanamang mgandang tula.
TumugonBurahinsalamat po....Ang tulang ito nga pala ay aking nalikha bunga ng pag-aalala kung hanggang kailan ako mabubuhay sa mundo...
Burahinmaganda ang nais mong iparating kaguro subalit maari bang hwag masyadong ilantad ang paghingi ng tulong ng maysakit sa ikaapat na saknong.....maari ding limang ubo sa unanag saknong sunod ay apat sunod ay tatlo sunod ay dalawa sunod ay isa hanggat wla na......
Burahinsalamat kaguro.....
Burahin