Mga Saksi
ang mesa
ang baso
ang platito
ang liwanag
na natatanaw ng nahihilong tao
doon
doon
sa kanto
sa tindahang pambungad
sa mga bisitang lumalangoy sa libag
na kahit walang pera
na kahit walang laman ang bulsa
na kahit walang kaya ay susugod pa.
Doon sa kanto
sa tindahang laging bukas
ay may mesang naghihintay
sa matatalik na kaibigang
kapag niregalohan ng isang bote
ay mahihilo
ay mag-iiba
ay magiging misteryoso
ay magiging mangsesermon
ng walang kwentang pangaral
at turong walang saysay.
Doon sa kanto,
sa ikapitong langit
sa ikaanim na ulit
sa ikalimang pagsapit
ng apat na lupit
ng taong mahiligin sa dalawang halik
sa boteng kapatid ni tulog
pamangkin ni hilo
at apo ni Sermon
at minsan pa’y asawa ni gulo.
Doon sa kanto
ay may mesang saksi
at may baso
at platito
at taong nahihilo…
hilo sa buhay
malayang tunay
na anak ni dalita
ay sa alak nagpasasa
at humalik sa lupa
at lumura
at sumuka
at natumba.
Sa susunod na araw
ay may saksi pa rin
sa gawain ni Tao
gawain ni mahirap
gawain ni mababaw.
saksi si mesa
saksi si bote
saksi si platito
saksi si dilim
saksi si antok
at si bituka
sa lahat ng nangyayari!
Is this written by Sundalong lasing?
TumugonBurahinopo....sundalong lasing.....kaibigan ko siya
Burahinmahusay...
TumugonBurahindiko namalayang tumulo ang aking laway
sa pagbabasa at habang hinihimay ang bawat salita
ay totoo namang mapapabilib ka sa
galing...at talaga namang may dating
ako tuloy ay lubos na nahihiwagaan sa iyong tunay na edad...