Huwebes, Abril 12, 2012










Bilang pagsisimula ng munting gawad Makata 2012 para sa mga bloggers, inaanyayahan ang lahat baguhan man o datihang nagbo-blog na makilahok sa pagsulat ng TULA. Narito ang mga dapat isaalang-alang at gawin:








1.) Bukas ang timpalak sa lahat ng bloggers
2.) Kailangang gumawa ng sariling tula(may sukat at tugma o malayang taludturan) kahit ilang saknong.
(kahit isa pa)
--------------------------------------------------
--------------------------------------------------
--------------------------------------------------
--------------------------------------------------

3.)Gawan ng pamagat
4.)Kailangang may kaugnayan sa pag-asa, pag-ibig,edukasyon,buhay,o manggagawa ang tula.
5.) Mayroong isang magwawagi sa bawat kategorya at makatatanggap sila ng badge.
6.) Ang pinakamahusay ay makatatanggap ng gawad makata  
      ng mga makata 2012 badge
7.)pagkagawa mo ng entry, magkomento lang ---  i-click ang  Mga Puna  sa ibaba ng post na ito o mag-email sa mendozamarvinric@yahoo.com
         
    gamit ang format na:

    Pangalan o Alias:
    Pangalan ng blog at URL:
    Link ng entry:

                                                           
GANTIMPALA:
      BADGE lamang ang gantimpala sa patimpalak na ito bagaman ang pinakalayunin nito ay mapaunlad ang panulaang Filipino.
      Isang karangalan sa isang blogger ang mapasali sa mga makatang magagawaran.
      Maraming Salamat.


PETSA NG PAGSUMITE:
      Ang timpalak ay tatakbo mula Abril 12 hanggang Abril 30.
      Ipapaskil ang magwawagi sa Mayo 1.

Pinakikiusapan na hikayatin natin ang ating mga kapwa bloggers....Mabuhay tayong mga Pilipino!

Narito ang mga BADGE na Ipamamahagi sa Mga Magwawagi.......SALI NA!



MGA KALAHOK:

1.) phoebe ann---  *Kay Hirap Itago
2.) panget din ako--- *Anak ng Paksiw
3.) Makatang Lasenggera--- * Pitik...Bulag!
                                                  * Kasi nga Pinoy
                                                  * Mendax
4.) Pasaway si kikay---  *Prosti
5.)FilipiNonoy--- *kabaligtaran
6.)manulnulat--- *Isang Milyang Pangarap

(Isinara na po ang patimpalak)



18 komento:

  1. hindi ako sigurado kung ankakasali ako katoto... sabaw na sabaw ang utak ko nitong mga huling araw. . pero susubukan ko :)

    TumugonBurahin
  2. Wow! Ayos to ah! Try kong sumali dito..hehe

    TumugonBurahin
  3. ako po ay kaisa nyo sa inyong patimpalak na nagnanais na mahikayat ang mga bloggerong pinoy para sumali at ipakita ang kanilang husay at kakayanan sa paggawa ng tula..

    mga ilang katunangan:
    Nais ko lang linawain yung tungkol sa kategorya ng tulang tungkol sa "BUHAY"...

    eto po ba'y yung mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ng isang tao...?
    mga bagay na tunay pinagdadaan ng isang tao?


    Kailangan po ba ay purong wikang Filipino lang ang dapat gamitin?

    At isa lang po ba ang tulang maisali ng isang tao...o pupwede kahit ilan?

    pasensya na nagtatanong lang..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tungkol sa buhay ng tao o kaganapan po at kahit ano pa.....maaaring gumamit ng iilang katagang Ingles....

      Burahin
  4. Nais ko pong sumali..ito po ang aking entry:

    Pangalan o Alias:Phoebe Ann

    Pangalan ng blog at URL:http://fajemolin-phoebeann.blogspot.com/

    Link ng entry:http://fajemolin-phoebeann.blogspot.com/2012/04/new-poem-041712.html

    TumugonBurahin
  5. Nais ko sanang isali ang tula kong ito,
    ngunit hindi ako masyadong sigurado kung
    ito ay pupwedeng isali sa kategoryang "Makata ng Buhay" sapagkat akoy sadyang hindi sigurado kung ano-ano nga ba ang nasasakupan ng kategoryang makata ng buhay..

    pero ang tulang ito ay may kinalaman sa simpleng (ulam) buhay, kung hindi po ito papasa sa kategorya ay mangyari po lamang na huwag na ninyong ipaskil sa inyong pahina ang link...at sisikapin ko pong gumawa ng ibang tula...

    pangalan o alyas: panget din ako
    pangalan ng blog: http://melvinlopez3.blogspot.com/
    ang aking tula : http://melvinlopez3.blogspot.com/2011/01/anak-ng-paksiw.html

    TumugonBurahin
  6. Natutuwa po akong may mga ganito po palang mga patimpalak.Baguhan lamang po ako at nagnanais na ibahagi ang mga nilalaman ng aking utak.

    Narito po ang aking mga lahok:
    Pangalan o Alias:Last Born Goddess
    Pangalan ng blog at URL:MakatangLasenggera(http://kairoskalista.blogspot.com/)
    Mga Link ng entry:
    PAG-IBIG-(http://kairoskalista.blogspot.com/2012/04/pitikbulag.html)
    PAG-ASA-(http://kairoskalista.blogspot.com/2012/04/kasi-nga-pinoy.html)
    BUHAY(uri ng tao)-(http://kairoskalista.blogspot.com/2012/04/mendaxlatin.html )

    TumugonBurahin
  7. Pangalan o Alias:Little Dragon
    Pangalan ng blog at URL:Pasaway Si Kikay(http://rebhelde.blogspot.com/)
    Link ng entry:(http://rebhelde.blogspot.com/2012/04/prosti.html_

    TumugonBurahin
  8. Pangalan o Alias: manulnulat
    Pangalan ng blog at URL:sundalong lasing (manulnulat.wordpress.com)
    Link ng entry: http://manulnulat.wordpress.com/2012/04/30/isang-milyang-pangarap-2/

    TumugonBurahin
  9. Pangalan o Alias: filipinonoy
    Pangalan ng blog at URL:FilipiNonoy(filipinonoy.worpress.com)
    Link ng entry:
    http://filipinonoy.wordpress.com/2012/04/21/liwanag-dilim-l-11/

    TumugonBurahin
  10. Hello po Kuya. maraming salamat sa imbitasyon, ngayon ko lang po nakita. sorry naman.. :(

    Sabaw na sabaw talaga ang utak ko nitong nakaraang Abril. Tapos na po itong patimpalak? Malaman, meron nang nagwagi.

    Anyway, maraming salamat po ulit sa imbitasyon. At congratulations din po.

    Magandang gabi. :)

    TumugonBurahin
  11. Sana mayroon pa pong ganitong patimpalak sa susunod:)
    Sumusulat rin po ako, sa katunayan, nais ko nga pong lumahok ngunit ngyon ko lang po natunton ang link na ito :)

    TumugonBurahin
  12. Gusto ko din humingi ng badge,ng patimpalak na ito..paano ko po makukuha?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mag-email ka sa mendozamarvinric@yahoo.com....salamat

      Burahin

KA-patid-puso-barkada-pamilya

IKAW

Walang maaaring makaalam kung sino ka maliban sa iyong sarili...sapagkat ang sinumang nagsasabing kilala niya ang pagkatao ng isang tao ay isang nilalang na nilikha sa kawalang muwang sa sariling kaanyuan.Ikaw ay tunay na ikaw at wala ng iba pang makaaalam sa iyo kundi ikaw...

UGALI

Ang ugali ng isang tao ay hindi batayan ng kanyang pagkatao...Nang tayo'y isilang sa mundo,taglay na natin ang pag-uugaling di kayang burahin ninuman at ng anuman.Kung ano ka ay iyon ka.Tanging ang paraan ng pagsasalita ang magiging batayan upang mahusgahan ang isang nilalang...Sapagkat ang sugat na dulot maling salita ay maaaring gantihan ng sugat din ng salita...Subalit ang sugat na dulot ng maling gawi ay sugat na mahirap gantihan ng maling gawi...lalo na kung ika'y mabuting nilalang...ika nga "action speaks louder than words at the same time action hurts greater than words...."