LUNES at BIYERNES
Araw ng Lunes
Araw ng Biyernes
Dalawang magagandang araw na minsa'y nakaiinis
Kung Lunes ay lagi na lang nagmamadali
at tila sinisilaban ang katawang di mapakali.
ano baga't ang araw na ito ay minsang kinababagutan
ng mga guro at mga mag-aaral
pag sinabing Lunes ay nariyan nag-aabang
ang kayraming gawaing lubhang kinaaayawan.
Bagaman kung minsa'y laging hinihintay
ang pagdating at pagdapo sa bawat kamay
kung may balitang magandang pakinggan
ang Lunes ay minamarapat na agad makamtan.
Sa kabilang dako ang Biyernes naman ay kaytagal
dumapo sa makakalyong kamay
mga kamay na napagod sa isang linggong paglalakbay
kasama ang isip na nanlulupaypay.
Datapwa ang araw na ito'y laging kinagigiliwan
ng mga guro man o mag-aaral
pag sinabing Biyernes ay ay ay katapusan
ng mga kalbaryo sa isang linggong napakatagal!
Ang dalawang araw na ito'y mahalagang lubha
na tulad ng buhay na may wakas at simula
ang Lunes ay pagsilang sa mundong mapag-aruga
at Biyernes ay ang paglisan sa daigdig na lumuluha!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento