Lunes, Pebrero 6, 2012


KAY BAGOTILYO

Bloggero
Facebookero
Marahil twittero

Ang kapara niya ay siya rin
At kailanma'y hindi ako.

Mabait

Palakaibigan

Pag-ibig ang tahanan

Tao
Hindi aso

Anghel
Hindi demonyo

Kung gusto mo pa siyang makilala ng husto
Pumunta ka sa blogsite ni katotong BAGOTILYO!(http://www.bagotilyo.com)

Parang nag-aadvertise? Hehehe

2 komento:

  1. wow , maraming maraming salamat sa napakagandang tula kapatid :)

    P.S hind ako masyadong twittero ..

    MARAMING SALAMAT TALAGA hindi mo alam kung paano mo ako napasaya.

    - BAGOTILYO

    TumugonBurahin
  2. basta't kaibigan....umiiral ang aking pagkamakata...hehehe

    TumugonBurahin

KA-patid-puso-barkada-pamilya

IKAW

Walang maaaring makaalam kung sino ka maliban sa iyong sarili...sapagkat ang sinumang nagsasabing kilala niya ang pagkatao ng isang tao ay isang nilalang na nilikha sa kawalang muwang sa sariling kaanyuan.Ikaw ay tunay na ikaw at wala ng iba pang makaaalam sa iyo kundi ikaw...

UGALI

Ang ugali ng isang tao ay hindi batayan ng kanyang pagkatao...Nang tayo'y isilang sa mundo,taglay na natin ang pag-uugaling di kayang burahin ninuman at ng anuman.Kung ano ka ay iyon ka.Tanging ang paraan ng pagsasalita ang magiging batayan upang mahusgahan ang isang nilalang...Sapagkat ang sugat na dulot maling salita ay maaaring gantihan ng sugat din ng salita...Subalit ang sugat na dulot ng maling gawi ay sugat na mahirap gantihan ng maling gawi...lalo na kung ika'y mabuting nilalang...ika nga "action speaks louder than words at the same time action hurts greater than words...."