TULA PARA SA KAARAWAN NI NANAY
MANG....hapi hapi kaarawan...
Sa araw na ito naalala kita
pagkakaila ko'y hindi ay kaarawan mo pala.
Abala ako ngayon papuntang eskwela
pagkat ang puso ko'y lipos ng pag-asa.
Ako ngayo'y nakaupo sa harap ng computer
binuksan ang facebook at maging ang blogger.
Ngunit bago ko unahin ang iba,minarapat ko munang
sumulat ng tulang marikit at maganda.
Ngayong araw na ito'y iyong kaarawan-
araw na kailanman ay di ko dapat kalimutan.
Alingawngaw ng tinig mo'y aking naririnig
sa taingang ang lagusan ay sa aking puso't isip.
Malayo-layo na nga ang iyong nalakbay
simula nang sa mundo ikaw ay mabuhay.
Ang mga tinik na iyong natapakan noon
ay unti-unti nang hinihilom ng panahon.
Batid ko ang hirap na iyong naranasan
para lang maibigay sa amin ang lahat ng bagay.
Batid ko ang mga luhang nanatak sa iyong mata
at batid ko ang iyong pisi na wari'y marupok na.
Lumalayo na ako ngayon sa aking nais ipabatid
pagkat di sapat ang papuring sa iyo'y ihahatid.
habang may buhay ina,higpitan mo ang hawak sa lubid
upang ang ating gunita ay di mapapatid.
Ang araw na ito ay para sa iyo
araw nang iyong masilayan ang mundo
araw na inaalimpuyo
ng libo-libong pag-ibig ko sa'yo.
Lunes, Enero 30, 2012
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
KA-patid-puso-barkada-pamilya
IKAW
Walang maaaring makaalam kung sino ka maliban sa iyong sarili...sapagkat ang sinumang nagsasabing kilala niya ang pagkatao ng isang tao ay isang nilalang na nilikha sa kawalang muwang sa sariling kaanyuan.Ikaw ay tunay na ikaw at wala ng iba pang makaaalam sa iyo kundi ikaw...
UGALI
Ang ugali ng isang tao ay hindi batayan ng kanyang pagkatao...Nang tayo'y isilang sa mundo,taglay na natin ang pag-uugaling di kayang burahin ninuman at ng anuman.Kung ano ka ay iyon ka.Tanging ang paraan ng pagsasalita ang magiging batayan upang mahusgahan ang isang nilalang...Sapagkat ang sugat na dulot maling salita ay maaaring gantihan ng sugat din ng salita...Subalit ang sugat na dulot ng maling gawi ay sugat na mahirap gantihan ng maling gawi...lalo na kung ika'y mabuting nilalang...ika nga "action speaks louder than words at the same time action hurts greater than words...."
ang sweet nito :)
TumugonBurahin-bagotilyo
mahal na mahal ko talaga kasi ang nanay ko...very supportive...
Burahin