Martes, Pebrero 14, 2012
tula para sa araw ng mga PUSO
ANG PAG-IBIG
Ang pag-ibig ay brilyanteng sa kislap ng araw kumikinang
na ang uri ay sa kintab na iyong matatanaw.
Brilyanteng mula sa lupa nang iyong masulyapan
ay tila nagsasabing ika'y mapalad na nilalang.
Ang pag-ibig ay para ring salapi na hinahanap-hanap,
kapag natagpuan na'y pustura na't nakagayak;
Bagaman kung ang nakatagpo'y hindi maingat
ay maaring mawala at di na muling mahahanap.
Ang pag-ibig ay kulay man din sa bahaghari
na ang kahulugan ay hindi mawari.
Pitong kulay na iba-iba bagaman isa ang tinatangi
ang natirang anim kung mapahiya'y ngingiti.
Ang pag-ibig ay bulaklak sa parang at bukid
na pinipitas ng sinumang makaibig.
Ito'y mga talulot na pumapahid
sa hinagpis puso at damdaming nasasaid.
Ang pag-ibig ay bato na sa daa'y nakakalat
na minsa'y pinupulot ng dalagang lumiliyag.
Ang batong ito 'pag ipinukol mo't sukat
kung hindi makabukol ay makasusugat.
Ang pag-ibig ay para rin namang tubig
na umaagos pagkat kanyang ibig.
Ang tubig na ito na minsa'y nagkukulay putik
ay naiinom din ng uhaw na tagabukid.
Ang pag-ibig ay parang buto ng Papaya
na kulay itim at sa paningi'y di maganda
ngunit pag itinanim at tumubo na
ang butong pangit ay magiging hinog na bunga.
Ang pag-ibig ay para ring Facebook ika ko
na may mga marunong at may naloloko.
Ang pag-ibig na kung hindi nalog-out at pinabayaan mo
kung mahahack ay tangis lang ang sa iyo.
Tunay nga namang ang pag-ibig ay makapangyarihan
pagkat kayang supilin kahit ang kaaway.
subalit pag-iingat lamang ang ating kailangan
nang ang pagibig nati'y hindi maging mitsa ng kamatayan!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
KA-patid-puso-barkada-pamilya
IKAW
Walang maaaring makaalam kung sino ka maliban sa iyong sarili...sapagkat ang sinumang nagsasabing kilala niya ang pagkatao ng isang tao ay isang nilalang na nilikha sa kawalang muwang sa sariling kaanyuan.Ikaw ay tunay na ikaw at wala ng iba pang makaaalam sa iyo kundi ikaw...
UGALI
Ang ugali ng isang tao ay hindi batayan ng kanyang pagkatao...Nang tayo'y isilang sa mundo,taglay na natin ang pag-uugaling di kayang burahin ninuman at ng anuman.Kung ano ka ay iyon ka.Tanging ang paraan ng pagsasalita ang magiging batayan upang mahusgahan ang isang nilalang...Sapagkat ang sugat na dulot maling salita ay maaaring gantihan ng sugat din ng salita...Subalit ang sugat na dulot ng maling gawi ay sugat na mahirap gantihan ng maling gawi...lalo na kung ika'y mabuting nilalang...ika nga "action speaks louder than words at the same time action hurts greater than words...."
Thank you for joining BNP! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the Hall of Fame ;)
TumugonBurahinFor site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy
Bravo! napakagandang tula nito.
TumugonBurahinsalamat po...
TumugonBurahinHanga ako sa iyo at ako'y nagagalak. Kaunti na lamang ang mga kilala kong tumatangkilik sa ating Pilipinong manunulat (<- sa kaliwa).
TumugonBurahinMagandang tula ang iyong isinulat. Iyong ipagpatuloy at huwag ka hihinto sa paglinang nito.
:-)
salamat po...makaaasa ka...
TumugonBurahinnc poem
TumugonBurahin