Ilang libong araw
Ilang libong taon
Ilang libong pagkakamali ang sa aki’y nakatuon?
Ilang libong pag-asa
Ilang libong ligaya
Ilang libong katanungan ang sa mundo’y naglipana?
Ilang libong ako
Ilang libong ikaw
Ilang libong pasakit ang iyong natatanaw?
Ganyan ang buhay sa mundong ibabaw…
Ang kaunti ay marami sa mga kapus-palad
At ang marami sa mayama’y nagkukulang.
Ilang libong ikaw at ako pa kaya
Ang sa mundo ay isisilang?
Ikot ng alimpuyo pag ika’y nadaanan
Ay mapipilitan kang magbuwis ng buhay.
Kung alimpuyo lang naman ang sa ati’y sasakop
Mabuti pa’y sa dayuhan ka magtiklop ng tuhod.
Pikat pikat pikat pikat
Ang sabi ng batang tila nilalagnat
Ang kamalian ko’y napupunang lahat
Gayong ang sariling uhog ay di mapunas-punas.
Kahit saan na mapunta ang tulang ito
Pagkat walang hanggan ang hiwaga ng mundo
Kung ako ngayon ay nabubuhay na totoo
Pagdating ng panaho’y lilisan din ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento