Ang Buhay ng Tao
Ang buhay ay ano, mahalagang salita.
Sulang nagniningning sa bawat puso't diwa.
Mahirap arukin at mahirap makita
ang iwing kahulugan at iwing adhika.
Sa taong mabuti at marangal ang budhi,
malinis na hangin ang laging dumadampi;
datapwa kapag mayroong pagkakamali,
ang gawang linsil ay may parusang masidhi.
Ang halamang bagong sibol kung mapapansin,
dagling nalalanta kung di didiligin.
Tulad ng pag-ibig na walang pumapansin
nakatanim man sa lupa'y mamamatay din.
Bahay mang malaki pag ang may-ari'y maramot,
mabuti pa'y kubo na bukas sa kumakatok.
Anumang buti kung may halong pag-iimbot
mawawala ang bango't magiging mabantot.
Talaga ngang ang buhay ay parang kawayan,
dalhin man ng baha ay walang kamatayan.
Doon sa malayo,sa huling hinantungan,
sisibol na muli ang bagong kalinangan.
Ang halimuyak ng 'sang magandang bulaklak,
pangarapin at lasapin, lubhang kaysarap.
Ngunit laging isipin at laging mag-ingat
pagkat may bulaklak na may lason sa langhap.
Ang tao ay bunga ng hirap at pagtitiis.
Nilikha na kakambal ang maraming hapis.
Datapwa ang ilog ay laging may balisbis.
Ang buhay ay iikot na laging talilis.
Aanhin ang buhay kung walang pagmamahal?
Aanhin ang boses kapag ito'y garalgal?
Sa entablado ng Diyos, laging tinatanghal,
taong mahirap man ngunit mayroong dangal.
Anupa't ang buhay parang gulong ng bukas,
mababa ka ngayon, bukas naman ay mataas.
Ang matamis na prutas ay laging may katas.
Tikman mo ngayon bago maging lasong ganap.
Sapagkat ang buhay ay parang kawikaan,
sa'yo at sa'kin, iba't-ibang kahulugan.
Pagnilayan mo ngayon at pag-isipan
bago pa tuluyang mawala ng lubusan!
Napakahusay mong magsulat ng tulang Filipino. Ipagpatuloy mo lang. :]
TumugonBurahinSalamat po ng marami sa mga tulad mong nakapupuri pa ng ating panulaan...
TumugonBurahinPaumanhin sa aking kamangmangan- saan ba ang Rehiyon 7? Napakahusay mong sumulat sa Filipino. Hinahangaan ko ang blog mo. Mabuhay!
TumugonBurahinsalamat po...
TumugonBurahinrehiyon 7? visayas area ata...minsa'y mangmang din ako...hehehe
ako nga pala'y taga-Sultan Kudarat, Rehiyon 12....
TumugonBurahinnapakahusay mong mag sulat ng tulang filipino!
TumugonBurahinipag patuloy mo lang yan:)
TumugonBurahinLubos kong ikinagagalak na may mga makata pa ring tayong mga kababayan. Ipagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa at ito'y magbubunga ng magandang bukas. Lubos kitang binabati!....Marlon L. Olivares....Bugallon, Pangasinan
TumugonBurahinsalamat po sa tulang ito ..
TumugonBurahinnagkaroon po ako ng idea sa aking gagawing tula ..
:") salamat po muli..
napaka.husay muh ..
ANG TULANG ITO AY NAPAKAGANDA.MAHUSAY ANG SUMULAT NITO.
TumugonBurahinmahusay
TumugonBurahinako'y saludo sa iyong husay
TumugonBurahinsa pagsulat ng tula'y sanay
huwag kalimutan humingi ng gabay
sa Panginoon, sa atin nagbigay ng buhay
BOW
pwed manghiram ng mga tula d2???
TumugonBurahinpang proyekto lng
napakagaling isa ito sa mga tula na nabasa ko na kaiga igaya. meruon ka pa bang ibang tula share mo nman sa akin
TumugonBurahinmalaki an naitulong ng tula saken
TumugonBurahinSalamat po, nakakuha po ako ng ideya para sa aking gagawinga tula para sa paaralan. Ang ganda po ng tulang ginawa ninyo.
TumugonBurahin