ANG MAGSASAKA
Butil na pinatubo sa matabang lupain
na pinaghirapa't pinagpawisang bungkalin.
Butil na lumaki nang malapit nang anihin,
ang mga ibon ay isa-isang nagsidating.
Ang kayraming ibon, sa butil nagpasasa.
Sila'y maihahambing sa taong walang hiya.
Sa tuwing pag-ani ay dumarating na bigla
at sa araw ng pagtatanim, doo'y nawawala.
Silang magsasakang puro pawis ang puhunan
ay doon sa bukid masayang namumuhay.
Sa tuwing kailangan,sila'y may pakinabang
gayong sa ibang araw ay limot na ngang tunay!
ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsusulat.
TumugonBurahinisa kang tunay na makata :)
-bagotilyo