Miyerkules, Pebrero 1, 2012

tula para sa Pilipino





Nabibilang na!

isa
dalawa
ako'y natatawa

tatlo
apat
bilang na ang matatapat

lima
anim
marami na ang sakim

pito
walo
sinungaling ang mundo

siyam
sampu
ang tao'y hunyango
nag-iiba ng kulay
di nauubusan ng pangkulay
di nawawalan ng kulay


ganito nga ang daigdig
ang mahina ay nadadaig
ang di marunong mag-igib ng tubig
matutuyo ang bibig
mamamalat pati gilagid.


mahina...mabagal
sa isang bagay nagtatagal
kung hindi aalis sa halimaw na lugar
kung doon ka nabuhay
doon ka mamamatay.

mabilis...kayhagibis
pag natinik ay tumatangis
kung matulin kang umakyat sa langit
nawa'y di ka malaglag sa putik...

isa
maganda


dalawa
kulang sa sobra

tatlo
nakalilito

apat
makunat

lima
Inglesera

anim
mukhang dayuhan sa salamin

pito
Pinoy ang lolo

walo
may lahi kunong Amerikano

siyam
para namang mangkukulam

sampu
si Pinas ay nagtatampo

sabi nga ni C.C. Marquez Jr.
Pilipinong naturingan
ang kamukha ay Dayuhan!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

KA-patid-puso-barkada-pamilya

IKAW

Walang maaaring makaalam kung sino ka maliban sa iyong sarili...sapagkat ang sinumang nagsasabing kilala niya ang pagkatao ng isang tao ay isang nilalang na nilikha sa kawalang muwang sa sariling kaanyuan.Ikaw ay tunay na ikaw at wala ng iba pang makaaalam sa iyo kundi ikaw...

UGALI

Ang ugali ng isang tao ay hindi batayan ng kanyang pagkatao...Nang tayo'y isilang sa mundo,taglay na natin ang pag-uugaling di kayang burahin ninuman at ng anuman.Kung ano ka ay iyon ka.Tanging ang paraan ng pagsasalita ang magiging batayan upang mahusgahan ang isang nilalang...Sapagkat ang sugat na dulot maling salita ay maaaring gantihan ng sugat din ng salita...Subalit ang sugat na dulot ng maling gawi ay sugat na mahirap gantihan ng maling gawi...lalo na kung ika'y mabuting nilalang...ika nga "action speaks louder than words at the same time action hurts greater than words...."