Haliging Kaytatag, Lahing Kaylakas
May isang haliging minsang naitayo
ng magiting at matatag na pinuno
na si Manuel L. Quezong minsang naglaho
sa lupa ng mundo ngunit di sa puso.
Ang haligi'y tanaw doon sa malayo-
mula sa Luzon hanggang Lupangb Pangako.
Ang haliging tila matayog na puno
ay kaytagal nang naipunla't tumubo.
Sa kasalukuya'y nakatirik pa rin
ang isang sagisag ng lahing magiting
na pinangarap na sana'y payabungin
sabay sa pag-ihip ng sariwang hangin.
O, 'wag naman biguin yaring pangarap
ng mga bayaning buhay ay nalagas
para sa bayang ninais makalasap
ng layang madama ang sariling lakas.
O, aking panawagan ay tanawin mo
ang isang haliging may sinisimbolo
'pagkat ang halaga kung di mapagtanto,
ang bawat isa'y magdurusang totoo.
Ang haliging ito'y Wikang Filipino
na tunay na kaytatag kahit may bagyo
at kahit nais pang putulin ng dayo
o nais mang uyamin ng pagbabago.
Sa ating pangungusap, nawa'y gamitin
ang wikang masasabing sariling atin.
Kaydakilang bagay na dapat purihin
ang wikang winikang marapat wikain.
Wikang haligi ni Inang Pilipinas
ay ginagamit na panungkod at lakas
nang matiwasay na marating ang bukas
habang nakatuntong sa palad ng oras.
Kung nagmamadali ang ating panahon,
umula't uminit, umaraw, umambon;
ang haliging nasa lupa nakatuntong
ay mas tumitibay at nagkakadahon.
At paglipas naman ay nagkakabunga
ng mga prutas na kaysarap ang lasa.
Kung titingnan lang ay di kaaya-aya
bagkus 'pag kinain, ang lasa'y pag-asa.
O, ang haligi ay sadya ngang kaytatag,
pagkakilanlan ang dulot nitong tawag.
Ako ay ako, Pilipino sa binyag.
Wikang haligi ang aking dalang armas.
Ipagmalaki mo't isigaw sa mundo
malakas ka't kaytatag ng sandalan mo.
Ang sandalang iya'y Wikang Filipino
na siyang lakas ng pagka-Pilipino.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
KA-patid-puso-barkada-pamilya
IKAW
Walang maaaring makaalam kung sino ka maliban sa iyong sarili...sapagkat ang sinumang nagsasabing kilala niya ang pagkatao ng isang tao ay isang nilalang na nilikha sa kawalang muwang sa sariling kaanyuan.Ikaw ay tunay na ikaw at wala ng iba pang makaaalam sa iyo kundi ikaw...
UGALI
Ang ugali ng isang tao ay hindi batayan ng kanyang pagkatao...Nang tayo'y isilang sa mundo,taglay na natin ang pag-uugaling di kayang burahin ninuman at ng anuman.Kung ano ka ay iyon ka.Tanging ang paraan ng pagsasalita ang magiging batayan upang mahusgahan ang isang nilalang...Sapagkat ang sugat na dulot maling salita ay maaaring gantihan ng sugat din ng salita...Subalit ang sugat na dulot ng maling gawi ay sugat na mahirap gantihan ng maling gawi...lalo na kung ika'y mabuting nilalang...ika nga "action speaks louder than words at the same time action hurts greater than words...."
maligayang buwan ng wikang Filipino...
TumugonBurahinakala ko'y matatapos ang buwan na hindi man lamang magkakaroon ng isang tula mula sa iyon pahina...
haha, pasensya na't kinapos ako,,,,,nasaid ang aking bulsa....salamat at meron na ngayon...
TumugonBurahinas always .. walang kupas katoto..
TumugonBurahintamng tamang para sa buwan ng wika last month.
*super late comment* hehehe