Martes, Oktubre 4, 2011

PAGKURUIN....

        

               TUWID NA DAAN…
             TUWID NA DAAN???
                          Ni Anak-pawis

                Ang tuwid na daan na paulit-ulit na binabanggit ng mahal Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ay hindi malayo sa katotohanang ganap sa kanyang katauhan ang pagnanais ng tunay na pagbabago.Masasalamin sa kanyang mga salita at paunti-unting pagkilos ang kanyang tunay na katauhan.Isang katauhang ganap na makapagbabago sa ating bayan at bawat simpleng buhay.Subalit sa kabila nito ay kaydami pa ring mga taong di maubos ang pagdadalawang isip sa kakayanan ng pangulo.
            Nariyan ang mga mamamayang laging pumupuna sa gawa ng pangulo, mga marunong magreklamo sa mga di nagugustuhang proposal o di kaya’y proyekto at di naman marunong magpasalamat sa mga mabubuting nagagawa ng administrasyon.
            Mula nang maupo bilang pangulo si P-noy,kahit papaano’y nakaramdam ng pag-angat ang mga Pilipino na minsan nama’y itinatatwa ng iba.Binigyan niya ng atensyon ang pagkakaroon ng sapat at may kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng K+12 Program,kung saan cumpolsory  ang pagdaan sa pre-school ng bawat batang simulang mag-aral at  daragdagan din ang mataas na paaralan ng dalawang taon,na bilang kabuuan ay magiging anim na taon na at siyang tatawaging Junior highschool at Senior highschool.Ang lahat ng ito ay bilang pagtitiyak na hindi mahuhuli ang Pilipinas sa larangan ng Edukasyon.
            Tinututukan rin niya ang paghatak sa dayuhang mamumuhunan upang maglagak ng pondo sa ating bansa.At hindi niya nga nakakalimutan ang kanyang mga pangako.
            Talaga namang napakahusay na pangulo si P-noy.Tapat sa sarili,at tapat sa bayan.
            Maaring ikumpara si P-noy sa mga lider ng ating Probinsya,ng ating Munisipalidad o mas simple pa ay ng ating paaralan.Tapat siya sa kanyang mga binitiwang mga salita,tapat rin kaya sila?Simbolo siya ng integridad,sila kaya?Ginagawa niya ang sarili bilang modelo ng mga lider,ginagawa rin kaya nila?
            Ang lahat ng mga katanungang ito ay hindi inilalatag bilang panira o tahasang pagkwestyun sa bawat isa.Ito ay mga katanungang magsisilbing liwanag upang tayo’y makapagnilay-nilay.Alam nating ang bawat isa ay may kalakasan at mayroon din namang kahinaan.Si P-noy datapwa nananatiling  tama at tuwid na daan ang bukambibig ay hindi pa natin mahuhusgahan pagkat di pa nagtapos ang kanyang kapanahunan sa pamamalakad ng ating bansa.Mayroon siyang mga pagkakamaling tahasang nakikita ng sambayanan at hindi niya iyon itinatatwa.Inaamin niya iyon at sinusubukang itama.Sana’y katulad din niya ang bawat tao sa lipunan,sa loob ng paaralan,simbahan at kung ano pang organisasyon.
            Lagi nating alalahanin na ang mga lider ng ating lipunan ay nagsisilbing modelo sa mga kabataan.Sila ay masasabi na ring facilitators of learning sapagkat minsan nilang hinuhubog ang kabataan.
            Napakarami pang pag-aalangan ang lilitaw sa pag-iisip ng mga Pilipino subalit ang mas mahalaga ngayon ay tiyakin natin sa ating sarili na bahagi tayo bayanihan tungo sa pag-unlad ng ating bayan.Itatak natin sa ating mga puso’t isipan ang katagang TUWID NA DAAN... sa halip na TUWID NA DAAN??????????

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

KA-patid-puso-barkada-pamilya

IKAW

Walang maaaring makaalam kung sino ka maliban sa iyong sarili...sapagkat ang sinumang nagsasabing kilala niya ang pagkatao ng isang tao ay isang nilalang na nilikha sa kawalang muwang sa sariling kaanyuan.Ikaw ay tunay na ikaw at wala ng iba pang makaaalam sa iyo kundi ikaw...

UGALI

Ang ugali ng isang tao ay hindi batayan ng kanyang pagkatao...Nang tayo'y isilang sa mundo,taglay na natin ang pag-uugaling di kayang burahin ninuman at ng anuman.Kung ano ka ay iyon ka.Tanging ang paraan ng pagsasalita ang magiging batayan upang mahusgahan ang isang nilalang...Sapagkat ang sugat na dulot maling salita ay maaaring gantihan ng sugat din ng salita...Subalit ang sugat na dulot ng maling gawi ay sugat na mahirap gantihan ng maling gawi...lalo na kung ika'y mabuting nilalang...ika nga "action speaks louder than words at the same time action hurts greater than words...."