Sabado, Oktubre 15, 2011






Ang Hiwaga ng Salitang Laruan
Ni Marvin Ric Mendoza

Ang laruan,bagaman isang salitang ang kahulugan ay batay lamang sa nakikita ng mga musmos,ang dalang hiwaga sa daigdig ng kaligayahan,katuwaan,at maging kalungkutan ay kakaiba.
Sa mga batang ang isipa’y sabik pa sa kahulugan ng kaligayahan,ang laruan ay tunay na simbolo ng kayamanan at pagmamahal ng magulang.
Ang mga taong halos gumagapang na sa karalitaan,sila’y itinuturing na pinaglaruan at pinagkaitan ng kapalaran.
Ang mga taong  maningning na mga tala na kumikinang at iniidolo ng marami ay karaniwang pinaglalaruan ng tadhana.
Ang mga buhay na nasawi at naglaho sa karimlan ay bunga ng pag-ibig at pag-asang ginawang laruan.
Oo…ang laruan…sa lahat ng buhay ay may taglay na kahulugan.Mayaman man at mahirap ay sumasalamin sa kasaganaan ng mundo at larawan ng isang laruan na nilikha upang danasin ang ligaya,lungkot at pagdurusa.
A,ang laruan,salitang sadya ngang kayhiwaga.
(Lahok sa SBA year3 sa Kategoryang blog freestyle)




Dramang Buhay- Estudyante
    ni Gabrielle Norbe

Sa pagmulat ng umaga
Ay ang pagmulat din ng kapalaran.
Sa isang taong nagmimithing maging bulaklak,
Sa isang harding napakalawak.
 
Lingid sa kaalaman ng iba,
Mabato din ang landas naming tatahakin.
Di lahat ng maapakan ay damuhan,
Kung hindi ay may putik ding aapakan.
 
Mabuti na sana kung pagsusulit lang
Ngunit andiyan pa ang lintik na babayaran.
Talagang matutuyot ang rosas sa hardin
Sa kamahalan ng tubig na ipandidilig.
 
Sa mga guro ko na hindi nakakaunawa,
Hindi lahat ng lupa ay mataba
Meron ding naghihikahos, Meron ding nanunuyot
Sana naman alam ninyo ang hirap na ‘yong dulot.
 
Sa paglubog ng araw ay aking napansin,
Dumi sa uniporme ay ‘di dulot ng putik.
Kundi ito’y dulot ng aking pawis,
At sa pagsibol ng araw, ay ang pagsibol ng panibagong drama.
 

SUBMITTED POEM

Posted: 19 Jun 2011 10:28 AM PDT
Pinoy Band Eraserheads - Filipino Treasure
Ni:
 Sarah M. Lee

Ang Eraserheads nga muling nagpaplano
Na ulitin itong naudlot na konsyerto,
Bitin nga sa concert lahat ng mga tao,
Si Ely Buendia sumakit ang puso!

Kahit ano pa ang gawin na paraan
Hindi na niya kaya sakit karamdaman,
Sa ospital na nakita, mga kaibigan,
Masakit ang nangyari, umiyak mga fans!

Favorite ko ang ERASERHEADS Band
Walang ibang tugtog na pumapainlanlang,
Music nila kasi’y aking nagustuhan,
May lalim ang lyrics kahit minus one!

May collection ako ng mga MP3
Lahat ng song nila’y aking itinatabi,
Pinatutugtog ko kahit na sa gabi,
Gising kapitbahay, pati na butiki.

Nai-download mo ba kanilang mga song?
Marami ang website na pwedeng magtipon
Song title ang
 siyang i-recall mo ngayon,
Hanapin ang FREE sa bawat station,

Inspiring talaga bawat song nila,
Ngingiti kahit nalulungkot ka,
May ligayang dulot sa bawat isa,
Download mo din sa puso ang member nila.

Si Marcus Adoro at Ely Buendia,
Raimund Marasigan, at Buddy Zabala,
Wala kang itatapon magagaling talaga,
Walang
 panama ang Yano, pati River Maya.

Download mo lahat wag kang magtatapon,
Mp3 at album at mga compilation,
Igawa mo ng folder na may dedication,
For sure you’ll be happy even if you’re alone.

Nariyan ang sikat na Huling El Bimbo,
Overdrive, Hard to Believe pati na Torpedo,
With A Smile, Kailan, Grounded ang GF Ko,
Maselang Bahaghari, Fruitcake at Pare Ko,

I-download mo na din Alapaap, Kailan,
Huwag Mo Nang Itanong, Magasin at Toyang,
Para sa Masa
 at Tuwing Umuulan,
Bogchi, Kaliwete, Ligaya, at Minsan.

Spoliarium At Maling Akala,
Sembreak, Julie Tear Yerky, Tindahan ni Aling Nena,
Pop Machine, Maskara, Palamig, Harana,
Ilan lamang sa song tiyak magaganda.

Sila’y nakilala Beatles of the
 Philippines,
Favorite ng adult pati lahat ng teens,
Kanta nilay nagdulot ng mga influence,
Original Pinoy Music sila nga itong the best.

Eraserhead’s songs pati mga album,
Laging patok dito, laging platinum,
Awards na marami at mga recognition,
Masasabi na sila ay sadyang mga icon.

Alay ko ang
 tula kong ito,
Sabihin man akong cornyng totoo,
Wala naman akong ibang iniidolo,
Eraserheads lang, una-unang sa gusto.

Ang Eraserheads ay Filipino band
Wala ngang kupas mataas na kalidad,
Huwag kang kokontra wala silang katulad,
Sa OPM industry : pinakasikat!

----
 

Paglalarawan: tula na tagalog, simpleng tula ng pinoy, filipino poem na may mababaw na salita.
https://blogger.googleusercontent.com/tracker/148566422262042145-3972373083880961059?l=tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com

Martes, Oktubre 4, 2011

PAGKURUIN....

        

               TUWID NA DAAN…
             TUWID NA DAAN???
                          Ni Anak-pawis

                Ang tuwid na daan na paulit-ulit na binabanggit ng mahal Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ay hindi malayo sa katotohanang ganap sa kanyang katauhan ang pagnanais ng tunay na pagbabago.Masasalamin sa kanyang mga salita at paunti-unting pagkilos ang kanyang tunay na katauhan.Isang katauhang ganap na makapagbabago sa ating bayan at bawat simpleng buhay.Subalit sa kabila nito ay kaydami pa ring mga taong di maubos ang pagdadalawang isip sa kakayanan ng pangulo.
            Nariyan ang mga mamamayang laging pumupuna sa gawa ng pangulo, mga marunong magreklamo sa mga di nagugustuhang proposal o di kaya’y proyekto at di naman marunong magpasalamat sa mga mabubuting nagagawa ng administrasyon.
            Mula nang maupo bilang pangulo si P-noy,kahit papaano’y nakaramdam ng pag-angat ang mga Pilipino na minsan nama’y itinatatwa ng iba.Binigyan niya ng atensyon ang pagkakaroon ng sapat at may kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng K+12 Program,kung saan cumpolsory  ang pagdaan sa pre-school ng bawat batang simulang mag-aral at  daragdagan din ang mataas na paaralan ng dalawang taon,na bilang kabuuan ay magiging anim na taon na at siyang tatawaging Junior highschool at Senior highschool.Ang lahat ng ito ay bilang pagtitiyak na hindi mahuhuli ang Pilipinas sa larangan ng Edukasyon.
            Tinututukan rin niya ang paghatak sa dayuhang mamumuhunan upang maglagak ng pondo sa ating bansa.At hindi niya nga nakakalimutan ang kanyang mga pangako.
            Talaga namang napakahusay na pangulo si P-noy.Tapat sa sarili,at tapat sa bayan.
            Maaring ikumpara si P-noy sa mga lider ng ating Probinsya,ng ating Munisipalidad o mas simple pa ay ng ating paaralan.Tapat siya sa kanyang mga binitiwang mga salita,tapat rin kaya sila?Simbolo siya ng integridad,sila kaya?Ginagawa niya ang sarili bilang modelo ng mga lider,ginagawa rin kaya nila?
            Ang lahat ng mga katanungang ito ay hindi inilalatag bilang panira o tahasang pagkwestyun sa bawat isa.Ito ay mga katanungang magsisilbing liwanag upang tayo’y makapagnilay-nilay.Alam nating ang bawat isa ay may kalakasan at mayroon din namang kahinaan.Si P-noy datapwa nananatiling  tama at tuwid na daan ang bukambibig ay hindi pa natin mahuhusgahan pagkat di pa nagtapos ang kanyang kapanahunan sa pamamalakad ng ating bansa.Mayroon siyang mga pagkakamaling tahasang nakikita ng sambayanan at hindi niya iyon itinatatwa.Inaamin niya iyon at sinusubukang itama.Sana’y katulad din niya ang bawat tao sa lipunan,sa loob ng paaralan,simbahan at kung ano pang organisasyon.
            Lagi nating alalahanin na ang mga lider ng ating lipunan ay nagsisilbing modelo sa mga kabataan.Sila ay masasabi na ring facilitators of learning sapagkat minsan nilang hinuhubog ang kabataan.
            Napakarami pang pag-aalangan ang lilitaw sa pag-iisip ng mga Pilipino subalit ang mas mahalaga ngayon ay tiyakin natin sa ating sarili na bahagi tayo bayanihan tungo sa pag-unlad ng ating bayan.Itatak natin sa ating mga puso’t isipan ang katagang TUWID NA DAAN... sa halip na TUWID NA DAAN??????????

KA-patid-puso-barkada-pamilya

IKAW

Walang maaaring makaalam kung sino ka maliban sa iyong sarili...sapagkat ang sinumang nagsasabing kilala niya ang pagkatao ng isang tao ay isang nilalang na nilikha sa kawalang muwang sa sariling kaanyuan.Ikaw ay tunay na ikaw at wala ng iba pang makaaalam sa iyo kundi ikaw...

UGALI

Ang ugali ng isang tao ay hindi batayan ng kanyang pagkatao...Nang tayo'y isilang sa mundo,taglay na natin ang pag-uugaling di kayang burahin ninuman at ng anuman.Kung ano ka ay iyon ka.Tanging ang paraan ng pagsasalita ang magiging batayan upang mahusgahan ang isang nilalang...Sapagkat ang sugat na dulot maling salita ay maaaring gantihan ng sugat din ng salita...Subalit ang sugat na dulot ng maling gawi ay sugat na mahirap gantihan ng maling gawi...lalo na kung ika'y mabuting nilalang...ika nga "action speaks louder than words at the same time action hurts greater than words...."