Huwebes, Abril 12, 2012










Bilang pagsisimula ng munting gawad Makata 2012 para sa mga bloggers, inaanyayahan ang lahat baguhan man o datihang nagbo-blog na makilahok sa pagsulat ng TULA. Narito ang mga dapat isaalang-alang at gawin:








1.) Bukas ang timpalak sa lahat ng bloggers
2.) Kailangang gumawa ng sariling tula(may sukat at tugma o malayang taludturan) kahit ilang saknong.
(kahit isa pa)
--------------------------------------------------
--------------------------------------------------
--------------------------------------------------
--------------------------------------------------

3.)Gawan ng pamagat
4.)Kailangang may kaugnayan sa pag-asa, pag-ibig,edukasyon,buhay,o manggagawa ang tula.
5.) Mayroong isang magwawagi sa bawat kategorya at makatatanggap sila ng badge.
6.) Ang pinakamahusay ay makatatanggap ng gawad makata  
      ng mga makata 2012 badge
7.)pagkagawa mo ng entry, magkomento lang ---  i-click ang  Mga Puna  sa ibaba ng post na ito o mag-email sa mendozamarvinric@yahoo.com
         
    gamit ang format na:

    Pangalan o Alias:
    Pangalan ng blog at URL:
    Link ng entry:

                                                           
GANTIMPALA:
      BADGE lamang ang gantimpala sa patimpalak na ito bagaman ang pinakalayunin nito ay mapaunlad ang panulaang Filipino.
      Isang karangalan sa isang blogger ang mapasali sa mga makatang magagawaran.
      Maraming Salamat.


PETSA NG PAGSUMITE:
      Ang timpalak ay tatakbo mula Abril 12 hanggang Abril 30.
      Ipapaskil ang magwawagi sa Mayo 1.

Pinakikiusapan na hikayatin natin ang ating mga kapwa bloggers....Mabuhay tayong mga Pilipino!

Narito ang mga BADGE na Ipamamahagi sa Mga Magwawagi.......SALI NA!



MGA KALAHOK:

1.) phoebe ann---  *Kay Hirap Itago
2.) panget din ako--- *Anak ng Paksiw
3.) Makatang Lasenggera--- * Pitik...Bulag!
                                                  * Kasi nga Pinoy
                                                  * Mendax
4.) Pasaway si kikay---  *Prosti
5.)FilipiNonoy--- *kabaligtaran
6.)manulnulat--- *Isang Milyang Pangarap

(Isinara na po ang patimpalak)



Miyerkules, Abril 11, 2012



Hininga

araw gabing ginawa ng Diyos ako'y nagtataka
pagkat ang hilik sa gabi ay dusa sa umaga
kung may hiningang aso sa kamang kayganda,
may hingang daga naman ng pulubi sa kalsada.




silang nakahiga sa kama ng yaman
ariin man nila't hindi'y may nakalilimutan.
sa bawat paghinga nila ng hiningang pangmayaman,
tila nalilimutan ang sumpa ng kamatayan.




hiningang hinihinga sa puso ng kahuwaran
ay sumpa sa munting yaman na iniingatan
ni mahirap na ang paghinga ay nakasalalay sa kandungan
ng Diyos ng lahat na Hari ng kabanalan




hingang pilit lamang ay nakabubuti
kaysa sa hingang ang kahulugan ay hindi mawari.
hingang hinihinga lang sa palad ni gabi
ay hingang hinihinga ng kaawa-awang pulubi.




Habang nabubuhay ang kayraming tao
ay hindi matatapos ang paghingang makamundo.
Ang hininga ni mayama'y lagi na lang  minamabango
habang ang kay mahirap ay di inaalam kung ano!

KA-patid-puso-barkada-pamilya

IKAW

Walang maaaring makaalam kung sino ka maliban sa iyong sarili...sapagkat ang sinumang nagsasabing kilala niya ang pagkatao ng isang tao ay isang nilalang na nilikha sa kawalang muwang sa sariling kaanyuan.Ikaw ay tunay na ikaw at wala ng iba pang makaaalam sa iyo kundi ikaw...

UGALI

Ang ugali ng isang tao ay hindi batayan ng kanyang pagkatao...Nang tayo'y isilang sa mundo,taglay na natin ang pag-uugaling di kayang burahin ninuman at ng anuman.Kung ano ka ay iyon ka.Tanging ang paraan ng pagsasalita ang magiging batayan upang mahusgahan ang isang nilalang...Sapagkat ang sugat na dulot maling salita ay maaaring gantihan ng sugat din ng salita...Subalit ang sugat na dulot ng maling gawi ay sugat na mahirap gantihan ng maling gawi...lalo na kung ika'y mabuting nilalang...ika nga "action speaks louder than words at the same time action hurts greater than words...."